Thursday, December 1, 2011

Ang Pasko

Ang Pasko ay ang araw na kung saan ang Panginoong Hesus ay ipinanganak ng Birheng Maria sa isang sabsaban sa Bethlehem.


Ang ating Panginoon ay namuhay at nakipamayanan sa atin bilang payak, masunurin, maunawain at mapagmahal na anak nina Birheng Maria at San Jose.


Halina't samahan ninyo po akong magnilay sa tunay na diwa ng Kapaskuhan...


PAG-IBIG:

Ang pag-ibig ay walang pinipiling antas, kalagayan o kung anuman; kundi, isang katangi-tanging larawan: ang pagiging payak, mapagkumbaba, mapagpatawad, maibigin sa kapayapaan at huwaran sa sinuman.
Namumuhay na may takot sa Diyos sa bawat sandali, iginagalang at pinahahalagahan ang anuman at sinumang nakapaligid sa kanya. Nagbibigay ng kaigayahan at pag-asa sa mga aba't mahihina. Kailanma'y may pagtitimpi sa lahat ng mga gawain at pagdedesisyon sa buhay; matapat sa kanyang pagkamamamayan.
Nagpapahalaga sa payo ng mga matatanda; at maging ang saloobin ng ating kultura.